Animan: Numbah Wan

Ikaw ba ay mayroong isang hardin? Sa tignin mo ba ay hindi sapat ang kalagayan ng lupa mo para maging maganda ang iyong mga pananim? Pinoproblema mo ba ang mga dumi ng mga alaga mong hayop sa bukid? Nangangamoy ba ng masama ang paligid ninyo dahil dito? Huwag na mag-alala, at mayroong produkto upang masolusyonan ka. Ito ay ang AniMan Fertilizer na mura na, sulit pa “achieve na achieve” ayon nga sa isang palabas. Pero, ano ng aba ang AniMan?

 

Screenshot (104)

Ito ay isang uri ng abono o pataba sa lupa na di karaniwan a ginagamit dito sa Pilipinas. Ito ay dahil sa  paraan ng paglalagay nito sa lupa. Hindi tulad sa isang normal na patabang organiko, ginagagamitan ito ng tubig, mga dumi ng hayop at katsa. Sa paggamit nito, kailangan mangolekta at mag-ipon ng dumi ng hayop na maaaring kuhanin sa manok, baboy o baka. Pagkatapos, kailangan itong patuyuin ng isa hanggang dalawang linggo.

 

44188875_2144772839173129_7071615587884990464_n

Matapos patuyuin, gamit ang molder na gawa sa kahoy na nilagyan ng plastic kober, iipitin ito upang siksikin ang mga duming ilalagay sa katsa. Pagkatapos nito, ang katsang pinuno ay ilalagay at ibabad sa isang timba o lalagyanan na mayroong lamang tubig na hindi tataas sa tatlong litro kung ito ay para sa normal na hardin,  at mas mataas pa kung ito naman ay gagamitin sa mas malaking taniman.

44246279_2540305769313728_212280266138320896_n

44267115_255102338484311_3171372012773834752_n

Mula dito, iiwanan itong nakababad ng dalawa hanggang tatlong linggo. Dito na ngayon maaaring ilagay ang tubig na nanggaling sa pinagbabadan ng dumi, sa isang regadera at ito na ang gagamitin upang ipang-dilig sa mga tanim, halaman at, mga puno na mayroon sa kani-kanilang hardin.

 

Ano nga ba ang maitutulong nito?

Bilang isang “innovation”, ito ay isang imbensyon na lumulutas sa isang isyu o problema sa isang bago at makabuluhang pamamaraan. Ang produktong ito ay makakabuti dahil:

  1. Makakatulong ito sa papamagitan ng pagpapaganda ng estado ng lupa na tataniman ng iba’t ibang mga halaman at puno. Bilang isang pataba, pinapagganda nito ang mga mga tutubo at lalaking mga pananim sa lupa.
  2. Base sa mga kagamitan at mga kasangkapang kailangan dito, hindi na kailangan gumastos ng marami para makabuo ng isang produkto tulad nito.
  3. Sa paggamit nito, maiibsan ang mga masamang amoy na maaaring kumalat dahil sa pagdami ng mga hayop na dumudumi.
  4. Dahil dito maaaring iwasan ang pagtatapon ng mga dumi sa iba’t ibang lugar na maaaring makasira sa kapaligiran.

Ano naman ang mga pagkukulang?

Hindi lahat ng bagay ay perpekto. lahat may butas, lahat mayroong kailangan pang i-improve. Ilan sa mga ito ay:

  1. Sa mga hakbang na sumusunod dito, isa sa nabanggit ay ang pagpapatuyo ng dumi ng hayop sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. Kung ang pagpapatuyo nito ay maramihan o nakaayos ng tabi-tabi sa isang lugar, lubhang lalakas ang masamang amoy na manggagaling sa dumi, na makakaapketo sa mga taong nasa paligid nito.
  2. Isa pa dito ay ang mga duming ginamit, hindi lahat ng dumi ay makakabuti sa kalalagayan ng lupa. Kung ang nakolektang dumi ay hindi nanggaling sa mga hayop na organic ang kinakain, hindi ito makakbuti sa lupa at maaari pa itong masira.
  3. Hindi ito maaaring gamitin sa mga pananim tulad ng mga palay, trigo, mais at iba pa. Ito ay sa kadahilanang, mayroong masamang sangkap ito na nakasisira sa mga ganitong uri ng pananim.

Paglalagom

Bilang tulong sa ating kapaligiran, sa mga taong naninirahan sa bukid at, mayroong “livestock” tulad ng mga baboy, manok, baka at iba pa. Lubos na inere-rekomenda ang paggawa o pagbili nito. Dahil ito ang makatutulong sa isang indibidwal na makagawa ng isang hanap-buhay, paglilipasan ng oras at kakikitaan ng potensyal. Kaya naman kung mahal ninyo ang “Mother Earth” ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop ito ang produktong para sa inyo. #SupportAniMan